Sa kabila ng paninindigan na magpapatuloy ang PUV Modernization Program, tiniyak ng bagong Kalihim ng Department of Transportation na si Vince Dizon na maglalabas sila ng proposals kung paano mareresolba ang mga problema ng PUV drivers at operators.
Sa press conference, sinabi ni Dizon na hindi pa siya naa-update ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa kasalukuyang estado ng PUV modernization.
Idinagdag ng bagong DoTr chief na plano rin niyang pulungin ang transport stakeholders, partikular ang jeepney drivers at operators, upang mas maunawaan ang kanilang mga hinaing.
Ginawa ni Dizon ang pahayag, kasunod ng rally na inilunsad ng Grupong Piston kahapon sa San Juan City, para ipanawagan sa DoTr na ibasura ang Public Transport Modernization Program ng gobyerno.