Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang kalalakihan dahil sa umano’y espionage activities.
Ayon sa NBI, inaresto ang mga suspek matapos makatanggap ng report na may kahina-hinalang mga sasakyan na gumagamit umano ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catchers.
Umiikot umano ang mga sasakyan sa military at police camps, iba pang essential systems, facilities, at national government assets sa Metro Manila.
Tatlo sa limang suspek na unang naaresto ay umamin na kinomisyon sila ng isang lalaking Chinese na nakatira sa Malate, Maynila.
Inatasan umano sila na magmaneho sa iba’t ibang lugar, gaya sa Villamor Airbase, Camp Aguinaldo, Malakanyang, Camp Crame at US Embassy sa halagang ₱2,500 hanggang ₱3,000 kada buwan.
Kalaunan ay nadakip naman ng mga awtoridad ang Chinese ay isa pang suspek.