Ipinagtanggol ng Malakanyang ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ideklara ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bilang special non-working day.
Sinabi ni Palace Press Officer, at PCO Undersecretary Claire Castro na prerogative o karapatan ito ng Pangulo.
Binigyang diin ni Castro na ang desisyon ng Punong Ehekutibo ay hindi naman nakasagabal sa anumang aktibidad para sa paggunita sa makasaysayang event.
Sa tingin din ng Palace official ay hindi nabalewala ang diwa ng EDSA, sa hindi pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng holiday.
Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagpatalsik sa yumaong ama ni Pangulong Marcos na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., at nagluklok sa biyuda ni dating senador Ninoy Aquino na si Corazon Aquino, bilang presidente.