dzme1530.ph

Pangulong Marcos, pinag-aaralan kung kailangang magpalit ng department leaders

Loading

Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung kailangang magpalit ng mga lider ng mga departamento at ahensya, ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos itong hingan ng kumpirmasyon sa Palace briefing, kanina, kung magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Presidential Security Command at sa Department of Information and Communications Technology.

Sinabi ni Castro na sa ngayon ay walang change of leadership sa dalawang nabanggit na ahensya.

Idinagdag ng Palace official na hindi pa sigurado kung magkakaroon ng revamp sa gabinete ni Pangulong Marcos.

Samantala, nang tanungin ang tungkol sa pagbabago sa Presidential Communications Office, inihayag ni Castro na mas mainam na hintayin na lamang ang order ni Secretary Jay Ruiz, hinggil sa reorganization.

About The Author