Kinasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng qualified human trafficking ang 20 dayuhan na naaresto sa raid, sa isang scam hub, sa Parañaque City noong Feb. 20.
Ayon kay PAOCC Exec. Dir. Gilbert Cruz, ang sinalakay na POGO hub sa ATI Building sa harap ng PITX, ay nagpapatakbo ng investment at love scams sa pamamagitan ng mga banyaga.
Aniya, kabuuang 435 POGO workers, kabilang ang 148 foreign nationals, ang dinakip sa Chinese-run hub.
Sinabi ni Cruz na kabilang sa complainants ang tatlong babaeng Vietnamese na ginamit sa operasyon para makahikayat at magpa-ibig ng mga investor na kanilang pagnanakawan sa pamamagitan ng cryptocurrency.