dzme1530.ph

LGUs, mga magulang, hinimok na maging proactive upang maiwasan ang karahasan sa pagitan ng mga estudyante

Loading

Dapat magkaroon ng pagtutulungan ang mga magulang, mga paaralan, mga awtoridad kasama na ang mga lokal na pamahalaan at dapat maging proactive upang maiwasan ang initan o rambulan sa pagitan ng mga estudyante.

Giit ito ni Sen. Sherwin Gatchalian kasunod ng rambulan ng mga menor de edad na estudyante sa Pasig City na nauwi pa sa saksakan at pagkasugat ng dalawang mag-aaral.

Ayon kay Gatchalian, responsibilidad ng mga pulis higit lalo ang mga magulang ang nangyaring pag-aamok ng mga estudyante dahil nangyari ang kaguluhan sa labas na ng paaralan.

Tinukoy din dito ang malaking papel ng local government units na dapat maging proactive upang mapigilan ang ganitong karahasan sa pagitan ng mga estudyante.

Mahalaga aniyang magkaisa ang pagbibigay gabay ng mga magulang, ng mga paaralan, mga otoridad at LGUs para kausapin ang mga kabataan na maging bahagi ng pag-aayos sa halip na sila pa ang mangunguna sa mga gulo.

Batay naman sa karanasan ng senador sa lokal na gobyerno ng Valenzuela, napuna nila na madalas nangyayari ang rambulan sa high schools dahil dito nabubuo ang grupo-grupo, mga gangs at fraternities.

About The Author