dzme1530.ph

Pilipinas, mag-e-export ng 66,000 metric tons ng raw sugar sa susunod na buwan

Loading

Mag-e-export ang Pilipinas ng 66,000 metric tons ng raw sugar sa Amerika sa susunod na buwan.

Pumayag ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-deliver ng dalawang tig-33,000 metric tons, upang ma-maximize ang savings sa freight, sa halip na ituloy ang naunang balak na i-ship ang 60,000 metric tons.

Sinabi ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona, na may bahagi ng industriya, kabilang ang mga magsasaka, na tutol sa pagluluwas ng asukal sa US dahil binibili ito sa mas mababang halaga

Paliwanag ni Azcona, binibili ng traders ang asukal sa US prices, na mas mura ng ₱1,000 sa domestic price, kaya nagrereklamo ang sugar farmers.

About The Author