dzme1530.ph

Pagsusulong ng caucus sa Senado para talakayin ang impeachment case laban kay VP Sara, isusulong pa rin ni Sen. Pimentel

Loading

Desidido pa rin si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagsusulong ng pagkakaroon ng caucus ng Senado upang mapag-usapan ang kanyang pananaw at suhestyon sa kanilang hakbangin sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kabila ito ng pagkatig ni dating Senate President Franklin Drilon sa posisyon ni Senate President Francis Escudero na hindi maaaring magsagawa ng special session ang Senado nang walang direktiba mula sa Pangulo upang iconvene ang impeachment court.

Sinabi ni Pimentel na naniniwala siyang tama ang kanyang opinyon at suhestyon dahil resulta ito ng pag-aaral ng kanyang tanggapan sa nilalaman ng konstitusyon at ng impeachment rules.

Binigyang-diin pa ng senador na may constitutional duty ang Senado na agarang aksyunan ang impeachment case laban kay VP Sara.

Samantala, pinasalamatan at ikinalugod ni Escudero ang pagsuporta at pagkatig ni Drilon sa kanyang posisyon.

Ayon kay Escudero, bagamat wala siyang nakikitang pangangailangan para sa inihihirit na all senators caucus ni Pimentel para mapag-usapan ang kanyang opinyon at suhestyon, ipinaabot niya ito sa   Committe on Rules, Senate Legal Team at sa ilan nilang mga kasamahan.

About The Author