dzme1530.ph

Pagpapatuloy ng iligal na aktibidad ng natitirang POGO sa bansa, ikinabahala ng isang senador

Loading

Ikinabahala ni Sen. Sherwin Gatchalian ang report na pagdukot sa isang Senior High School na sa impormasyon ay may kaugnayan pa rin sa POGO.

Sinabi ni Gatchalian na nakakalungkot ang patuloy na mga kaso ng pangingidnap na may kaugnayan sa mga POGO sa kabila ng direktiba ng Pangulo na ipinagbabawal na ito sa bansa.

Dahil dito, kinalampag ni Gatchalian ang mga awtoridad na huwag tumigil sa operasyon hanggang tuluyang masawata ang mga natitira pang sindikato ng POGO.

Kailangan aniya ng matinding aksyon upang tuluyang mapuksa ang mga iligal na POGO at maprotektahan ang mga mamamayan, lalo na ang mga estudyante mula sa kanilang lumalalang krimen.

Epektibo noong January 1, ipinag-utos ng Pangulo ang total ban sa mga POGO subalit may mga nadiskubre pa rin na iligal na POGO at scam hubs.

About The Author