dzme1530.ph

Kapakanan ng commuters, dapat isaalang-alang sa pagpapasya sa dagdag pasahe sa pampasaherong jeepney

Loading

Pinatitiyak ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na isasaalang-alang ang kapakanan ng commuting public sa pagpapasya sa hiling na taas pasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Ito ay sa gitna ng mga panawagan para sa pagpapatupad ng dalawang pisong jeepney provisional fare hike.

Sinabi ni Gatchalian na bagama’t dapat kilalanin ang bigat ng pasanin ng jeepney drivers at operators sa sunud sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kailangang ikunsidera rin ang kapakanan ng mga pasahero.

Ipinaliwanag ng senador na ang anumang pagtataas sa pasahe ay kabawasan sa panggastos para sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, healthcare, disenteng tirahan at edukasyon.

Sa ngayon anya ay nahihirapan na ang maraming consumers sa napakataas na presyo ng pagkain kaya ang taas pasahe ay dagdag bigat sa kanilang pasanin.

Mahalaga aniya ang bawat piso sa mahihirap kaya importanteng isasaalang-alang ng LTFRB ang bawat panig sa pagpapasya sa hirit na dagdag pasahe sa jeepney.

About The Author