dzme1530.ph

Philippine Coast Guard, magsasagawa ng sariling awareness flights sa West Philippine Sea

Loading

Maglulunsad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng sariling maritime domain awareness (MDA) flights sa key areas ng West Philippine Sea upang igiiit ang territorial rights ng bansa.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela na plano nilang gawin ang MDA flight mula Pangasinan hanggang Zambales.

Binigyang diin ni Tarriela na ang routine flights ay upang pagtibayin ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang anunsyo ay kasunod ng “dangerous” maneuvers na ginawa ng isang Chinese military sa eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc noong nakaraang linggo.

About The Author