Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa resale ng ₱270-M na halaga ng kinumpiskang sigarilyo sa Capas, Tarlac.
Tiniyak naman ng Bureau of Customs (BOC) na may mga ulong gugulong kapag napatunayan sa reports na ilan sa kanilang tauhan ang sangkot sa iligal na aktibidad.
Ang dalawang inaresto ay kinilalang mga empleyado ng isang disposal company na kinontrata ng BOC para itapon ang mga smuggled na sigarilyo na nasamsam ng Customs agents.
Nag-alok umano ang disposal company na ibenta ang mga kahon ng sigarilyo sa poseur buyers sa halagang ₱250-M.
Nangako ang BOC na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI upang mapanagot ang mga may kasalanan.