Tiniyak ng senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang mga programa para sa lahat ng nangangailangan.
Sa campaign sortie sa Bacolod City, Negros Occidental, iginiit ni Sen Bong Revilla kanilang commitment para sa “Benepisyo Para sa mga Nangangailan” platform.
Binigyang-diin ni Revilla na Ang Bagong Pilipinas ay isang makatarungang Pilipinas o isang lipunang walang naiiwan, isang bansa kung saan lahat may pagkakataong umasenso, at lahat ng nangangailangan ay naaabutan ng tulong at benepisyo.
Tiniyak ng senador ang pagpapalakas ng tulong ng gobyerno sa mga senior citizens, persons with disabilities, at indigent families sa pamamagitan ng expanded pension benefits, mas maayos na healthcare access, at inclusive social protection programs.
Sa kanya namang talumpati, sinabi ni dating Interior Secretary Benhur Abalos na isusulong nya ang mga programa na makatutulong sa mahihirap.
Bukod sa nauna na niyang tinalakay na pagsusulong na matanggal ang VAT sa kuryente, nais din niyang pagtuunan ng pansin ang pagkakaloob ng dagdag insentibo sa mga job order at contract of service employees sa gobyerno.
Ito anya ay upang magkatanggap sila ng pantay na insentibong tinatanggap mg mga regular na empleyado.