dzme1530.ph

Mga ahensya ng gobyerno, pinagdodoble kayod laban sa recruitment ng mga Pinoy sa scam hubs sa ibayong dagat

Loading

Pinagdodoble trabaho ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs at Department of Migrants Workers laban sa recruitment ng mga Pinoy sa scam hubs sa ibang bansa.

Aminado si Gatchalian na nakababahala ang patuloy na naglipang recruitment sa mga Pilipino sa scam hubs at dapat itong agad aksyunan ng gobyerno.

Sinabi ng senador na dapat mapigilan ng pamahalaan ang recruitment at pag-alis ng Pilipinas ng mga Pinoy para sa scam hubs.

Dapat rin aniyang makipag coordinate ang law enforcement agencies ng Pilipinas sa kanilang mga foreign counterparts para maligtas ang mga biktima at mapalakas ang intelligence efforts para mapigilan ang mga sindikato na makapang biktima ng ating mga kababayan.

Binigyang-diin rin ni Gatchalian ang pangangailangan na balaan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na dahil sa pakikibahagi sa ganitong kriminal na aktibidad ay maaaring maging biktima sila ng torture, human trafficking at iba pang kriminal na aktibidad na nauugnay sa mga scam hub.

About The Author