Naisapinal na ng Pilipinas at New Zealand ang nilalaman ng kanilang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA).
Ayon sa Department of National Defense (DND), target lagdaan ang deal sa pagitan ng dalawang bansa sa Second Quarter ng 2025.
Kahapon ay tinapos ng Pilipinas at New Zealand ang pulong para sa SOVFA, na ang last negotiating round ay idinaos sa kampo ng New Zealand sa pamamagitan ng hybrid arrangement.
Ang delegasyon ay pinangunahan nina DND Usec. Pablo Lorenzo at New Zealand Ministry of Defense Director Kathleen Pearce.