dzme1530.ph

Mga Pinoy, di kailangang umasa sa POGO para magkaroon ng hanapbuhay —PBBM

Loading

Hindi kailangang umasa ng mga Pilipino sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang magkaroon ng hanapbuhay.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate sa Dumaguete City, kagabi.

Muling ipinagmalaki ng Pangulo na ang 12 kandidatong kanyang napili ay may mga sapat na kaalaman, kasanayan at karanasan upang bigyang solusyon ang mga problema ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na upang labanan ang kriminalidad hindi kailangan ng madugong patayan at sa halip ay bumuo ng mga batas na maayos na ipatutupad ng pulisya at mga lokal na opisyal.

Sa ekonomiya, hindi anya dapat umasa sa iligal na industriya na nagiging pugad ng krimen at karahasan at ang solusyon ay tunay na trabaho at disenteng sweldo.

Muli niya ring iginiit na ipaglalaban ang teritoryo ng bansa at hindi isusuko kahit anumang bahagi nito.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na hindi nila direksyon ang mang-api at sa halip ay naglalayon silang paunlarin ang Pilipinas.

About The Author