dzme1530.ph

Chinese Maritime Militia vessels, namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea

Loading

Anim na Chinese militia vessels ang naispatan sa Rozul Reef habang mahigit 50 iba pa ang na-monitor sa Pagasa Island, sa isinagawang maritime domain awareness (MDA) flight ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Sa statement, sinabi ng PCG na naglunsad sila ng MDA flight sa rehiyon, kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bilang tugon sa “dangerous flight maneuvers” ng helicopter ng People’s Liberation Army (PLA) Navy laban sa Philippine aircraft.

Ayon sa ahensya, ang MDA flight ay isinagawa sa pamamagitan ng dalawang eroplano ng BFAR, na umalis mula sa Puerto Princesa sa Palawan.

Nai-dokumento rin sa naturang misyon ang mga labag sa batas na aktibidad ng Chinese Coast Guard at Maritime Militia sa Kalayaan Island Group.

About The Author