Hinimok ni Cardinal Pablo Virgilio David at iba pang mga lider ng Simbahang Katolika ang publiko na ipagdasal ang paggaling ni Pope Francis na ngayon ay nasa ospital bunsod ng respiratory infection.
Ayon kay Cardinal David na siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), naka-confine sa ospital ang Santo Papa at sumasailalim sa gamutan para sa Pneumonia.
Kabilang din sa mga nanawagan ng panalangin sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Cebu Archbishop Jose Palma.
Sa kabila naman ng kondisyon ni Pope Francis, sinabi ng mga doktor na nananatili itong “in good spirits” at nagpasalamat sa mga dasal na kanyang tinanggap.
Una nang kinansela ng Vatican ang lahat ng engagements ng Santo Papa, sa harap ng dinaranas na complex respiratory infection.