Inamin ni Sen. Ronald dela Rosa na ‘challenging’ sa kanya ang kampanya ngayong 2025 election dahil maituturing sila ngayon sa ilalim ng oposisyon.
Dahil aniya sa kasalukuyan nilang sitwasyon, halos wala na ring nag-iimbita sa kanila para sa mga rally at halos wala na silang resources para sa pangangampanya.
Noong nasa adminitrasyon aniya sila, walang pumipigil sa kanilang pag-iikot at pagsasagawa ng campaign rally mula sa iba’t ibang LGU kumpara ngayon.
Sa kabilang dako, kumpiyansa pa rin ang senador na makakakuha siya ng boto dahil ang taumbayan naman ang boboto at hindi ang mga pulitiko.
Bukod dito mag iikot siya hanggang sa grassroots level upang makakuha pa rin ng suporta at nakikita niya na masaya ang mga tao sa kanyang pangangampanya.
Iginiit din ni dela Rosa na hindi siya ang tipo ng kandidato na sinasabing pinabili ng suka sa halip siya pa ang nagbebenta ng suka.