dzme1530.ph

OFW Hospital, planong palawakin ng DMW sa buong bansa

Loading

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang planong pagtatayo ng iba’t ibang sangay ng OFW Hospital sa buong bansa upang mabigyan ng mas magandang healthcare access ang overseas Filipino workers at kanilang mga pamilya.

Inihayag ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na nais nilang palawigin ang OFW Hospital, kagaya ng set-up ng clinics sa mga mall.

Target din aniya nila na dagdagan ang bed capacity ng ospital na kasalukuyang nasa 50, at magtayo ng dialysis treatment facility.

Ayon sa ahensya, ang OFW hospital na matatagpuan sa San Fernando, Pampanga, ay nakapagsilbi na sa mahigit 86,000 inpatients at outpatients, as of 2024.

About The Author