Tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi nila tatakasan ang kanilang mandato at magko-convene sila bilang impeachment court na tatalakay sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Gatchalian ang pagtiyak kasunod ng petition for mandamus sa Korte Suprema na humihikayat na atasan ng SC ang Senado na magtipon na bilang impeachment court at agad simulan ang paglilitis.
Una na kasing sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa Hunyo na masisimulan ang pagtalakay sa impeachment complaint dahil nakabakasyon na ang Kongreso habang sa 20th Congress na magsisinula nag trial proper.
Iginiit ni Gatchalian na ngayong nakabakasyon sila ay ginagamit nila ang kanilang oras upang talakayin ang impeachment.
Para naman sa personal na paghahanda, kinumpirma ni Gatchalian na kumuha na siya ng mga consultants at litigation lawyers upang makasama sa paglilitis.