dzme1530.ph

Delay sa paglilitis ng impeachment laban kay VP Sara, ‘di dapat umabot ng 3 hanggang 5 buwan

Loading

Hindi dapat umabot ng tatlo hanggang limang buwan ang delay sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kasabay ng paalala na hindi na naayon sa konstitusyon kung maantala ng mahigit tatlong buwan ang paglilitis.

Sinabi ni Pimentel na maaaring maantala ng isang buwan ang pagsasagawa ng impeachment trial dahil may mga proseso pang dapat gawin tulad ng pagbuo ng bagong impeachment rules at pagsasagawa ng pre-trial.

Binigyang-diin ni Pimentel na dapat na hintayin na lang kung ano ang magiging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon na mag-isyu ng writ of mandamus upang agarang magconvene bilang impeachment court ang Senado.

Tumanggi na si Pimentel na magbigay ng anumang komento kaugnay ng naturang petisyon

Una nang sinabi ni Pimentel na may mandato ang Senado na agarang magsagawa ng impeachment trial alinsunod sa konstitusyon na nagsasaas ng katagang forthwith na ibig sabihin ay agad.

About The Author