Pormal nang hiniling ng isang abogado sa Korte Suprema na atasan ang Senado para simulan na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa petition for mandamus ni Atty. Catalino Generillo, Jr., binigyan diin nito ang katagang “forthwith” sa Saligang Batas na tumutukoy sa impeachment proceeding.
Ayon sa Oxford Dictionary, ang “forthwith” ay nangangahulugan na ‘immediately, at once, instantly, directly, righ away, now at without delay.’
Dahil diyan naniniwala si Atty. Generillo na nilalabag ng Senado ang konstitusyon sa hindi agad pag-akto sa impeachment complaint na inihain ng 215 congressmen.
Dagdag pa ni Atty. Generillo, ang mga senador kahit naka recess ay hindi naman dumaranas ng ano mang “disability, physical o mental issue” kaya walang dahilan para i-antala ang pagbuo ng impeachment court para litisin ang Bise Presidente.