dzme1530.ph

SC, hinikayat na obligahin ang Comelec at Miru na ipakita ang mga dokumentong may kaugnayan sa Halalan 2025

Loading

Hiniling ng iba’t ibang grupo at indibidwal sa Supreme Court na obligahin ang Comelec, maging ang automated election system provider na Miru Systems, na ipakita ang mga dokumentong may kaugnayan sa 2025 midterm elections.

Ang petitioners ay mga miyembro ng Right to Know, Right Now Coalition (R2KRN); Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Philippine Institute, mga journalist, at academe.

Ayon sa R2KRN, una silang nag-request ng information mula sa Comelec at Miru kasunod ng pag-atras ng isa sa mga partner ng election system provider.

Pinagbigyan naman anila ng poll body ang kanilang hiling subalit partial lamang, habang mailap sa sagot ang Miru.

Bunsod nito, humirit ang grupo sa Korte Suprema na itama ang umano’y kabiguan ng Comelec sa pamamagitan ng pag-o-obliga na ilabas ang hinihiling na impormasyon.

About The Author