dzme1530.ph

DepEd, nangakong magde-deploy ng mahigit 15K principals ngayong taon

Loading

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang pagde-deploy ng mahigit 15,000 qualified passers sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) bilang mga principal sa bansa.

Ito’y bilang tugon sa kakulangan ng School heads, na nasa 55% ng public schools na nag-o-operate ng walang principal, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na nagsilbing eye-opener ang naturang isyu, kasabay ng pag-amin na maraming paaralan sa bansa ang nag-o-operate ng walang utak, dahil ang mga principal aniya ang nagsisilbing utak ng paaralan.

Ayon sa DepEd, nasa 7,916 NQESH passers noong 2024 ang maaring makatulong upang mapunan ang mga bakanteng principal position.

About The Author