Ilang PBA executives ang nanghinayang sa naging desisyon ng strong group athletics kaugnay sa kampanya ng team sa 34th Dubai International Basketball Championship.
Magugunitang nag-withdraw ang kinatawan ng Pilipinas mula sa third place game bunsod ng officiating issues.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kung siya ang tatanungin, dapat ay itinuloy ng strong group ang laban para sa bronze, dahil kinatawan sila ng bansa sa naturang tournament.
Sinegundahan ni PBA Vice Chairman at Barangay Ginebra Team Governor Alfrancis Chua ang sentimyento ni Marcial, sa pagsasabing bilang kinatawan ng Pilipinas, kailangan nilang isantabi ang nararamdaman na hindi patas na trato sa laro, dahil magre-reflect ito sa bansa sa pangkalahatan.
Idinagdag ni Chua na karamihan ng mga miyembro ng PBA Board of Governors ay nagulat sa naging desisyon ng strong group.