dzme1530.ph

Admin ticket, tiniyak na hindi magsasagawa ng negative tactics sa panahon ng kampanya

Loading

Tiniyak ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na hindi sila magsasagawa ng anumang negative tactics sa kabuuan ng kampanya para sa 2025 Midterm Elections.

Sinabi ni Cong. Toby Tiangco, spokesman ng Alyansa na ang mahalaga lamang sa kanila ay malaman ng publiko ang programa ng kanilang mga kandidato na makatutulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sinabi naman si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na pagod na ang mga Pilipino sa bangayan at ang dapat ay ipresinta na lamang sa taumbayan ang mga kakayanan ng kanilang mga kandidato.

Sa halip anya siraan ang kabilang panig mas mabuting isulong ang mga programa ng administrasyon na makatutulong sa bayan.

Ipinaalala naman ni dating Sen. Panfilo Lacson ang kasabihan na kung ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin sa kapwa mo kasabay ng paggiit na dapat ang kampanya ay ibatay sa merito ng mga kandidato at hindi sa kasiraan.

Samantala, as of 3:40 ng Martes ng hapon, aabot na sa pito hanggang walong libong Ilokano ang nagtungo sa Centennial Arena sa Laoag City para sa kick off rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

About The Author