dzme1530.ph

Cong. Tulfo at 9 iba pa mula sa Senatorial slate ng administrasyon, pasok sa “Magic 12”—Pulse Asia

Loading

Nanguna si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong Senatorial survey ng Pulse Asia, habang siyam na iba pang aspirante mula sa tiket ng administrasyon ang posible ring manalo.

Ayon kay Pulse Asia Chief Ronald Holmes, resulta ito ng kanilang January 2025 nationwide survey para sa nalalapit na May 12 midterm elections.

Aniya, nananatili si Tulfo bilang “solo” lead habang mayroong statistical chance na manalo ang walong iba pa tumatakbo sa ilalim ng “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” ng Marcos administration.

Sumunod kay Cong. Tulfo na may 62.8% voter preference, sina Sen. Bong Go, 50.4% na nasa pangalawa hanggang pangatlo; dating Sen. Tito Sotto, 50.2% (2-4); Ben Tulfo, 46.2% (3-8); Sen. Pia Cayetano, 46.1% (4-8).

May tsansa rin umanong manalo sina Bong Revilla, Imee Marcos, Ping Lacson, Willie Revillame, Bato Dela Rosa, Abby Binay, Manny Pacquiao, Camille Villar, at Lito Lapid.

Tanging sina Sen. Go, Sen. dela Rosa, Ben Tulfo, Sen. Marcos na kumalas sa Alyansa pati na ang TV personality na si Revillame ang hindi bahagi ng administration slate.

About The Author