Kabuuang 180 dayuhang pugante na wanted sa iba’t ibang krimen sa kani-kanilang bansa ang nasakote ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon.
Ayon kay BI Fugitive Search Unit Acting Chief Rendel Ryan Sy, mas mataas ang naturang bilang kumpara sa 123 na naaresto noong 2023.
Karamihan sa mga dinakip ay South Koreans, 74; sumunod ay mga Chinese, 62; Taiwanese, 12; at Japanese, 11.
Kabilang sa mga krimen na kinasangkutan ng mga dayuhang pugante ay economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at drug trading.