dzme1530.ph

Paghahain ng kaso laban kay HS Romualdez at 2 iba pa, diversionary tactic lamang —House leaders

Loading

Diversionary tactic lamang ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte, ang paghahain ng kaso laban kay House Speaker Martin Romualdez, Majority Floor Leader Manuel Dalipe, Jr. at Cong. Zaldy Co, Chairman ng Appropriations panel.

Tahasang sinabi nina Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union at Asst. Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales na ‘fantacy at fiction’ lang ang inaakusa dahil wala itong basehan.

Huwag umanong gawing panakip-butas si Romualdez para takasan ni Duterte ang pananagutan sa mga kasong nakapaloob sa impeachment complaint.

Para kay Khonghun desperadong hakbang ito ng Pro-Duterte camp, dahil kahina-hinala ang timing ng pagpa-file ng asunto matapos na ma-transmit sa Senado ang Articles of Impeachment.

Matatandaan na 215 ang lumagda sa impeachment complaint kaya dumeretso na ito sa Senado, subalit hindi pa rito natapos dahil humabol ang 25 legislators bilang complainants o 80% ng buong kasapian.

Babala naman ni Ortega sa mga gustong harangin ang impeachment na mag-ingat dahil babalik din ito sa kanila.

About The Author