Mayorya ng mga boboto sa May 2025 National and Local Elections ay edad 18 hanggang 44.
Nadagdagan ang voting-age population ng mahigit 10 million o sa 75,940,535 para sa Halalan sa Mayo mula sa 65,745,512 noong 2012.
Batay sa datos ng Comelec, mula sa kabuuang bilang, 69,673,655 ay registered voters, as of Jan. 23, 2025.
25.94 million dito ay Millennials o mga ipinanganak mula 1981 hanggang 1996, na kumakatawan sa hanggang 34.15% ng registered voters.
21.87 million naman ay mga Gen Z o mga isinilang mula 1997 hanggang 2007, na 28.79% ng mga rehistradong botante.
Sumunod ang mga Gen X, 17.64 million o 23.22%; at Baby Boom at Silent Generations, 10.5 million o 13.83% ng registered voters.