Ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpalaot ng maliliit na sasakyang pandagat sa northern at eastern coasts ng Catanduanes.
Sinuspinde ng PCG Station sa Catanduanes ang paglalayag ng small vessels na may 250 gross tonnage, fishing boats, at iba, bunsod ng strong gale-force winds sa lugar.
Inaasahan din ang masungit hanggang sa napakasungit na lagay ng karagatan.
Saklaw ng naturang advisory ng Coast Guard ang mga Bayan ng Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Baras, at Bato.
Una nang naglabas ang pagasang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Bicol na apektado ng shear line.