Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pamantasan ng Cabuyao sa Laguna na ipaliwanag ang kanilang polisiya na nag-o-obliga sa lahat ng nasa campus na makipag-usap lamang sa wikang Ingles.
Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na kinausap niya ang University President para maunawaan ang basehan at layunin ng ipinanukala nitong polisiya.
Pinayuhan ni De Vera ang unibersidad na maglabas ng press release upang linawin ang isyu at sumagot sa media interviews.
Sa burado nang Facebook post, inanunsyo ng Pamantasan ng Cabuyao ang pagpapatupad ng English Only Policy simula Feb. 3, 2025, alinsunod sa kanilang “vision of developing competitive and world-class students.”