dzme1530.ph

Monitoring laban sa Mpox, pinaigting sa Baguio City sa gitna ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival

Loading

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Baguio City Health Service Office sa concerned government agencies at establishments upang maiwasan ang paglaganap ng Mpox sa gitna ng Panagbenga Festivities.

Kabilang sa mga ahensya at establisyimento na tinukoy ng City Health Service Office ay ang City Tourism Council, Hotel and Restaurant Association of Baguio, accommodation providers, food businesses, mga spa, gym, salon, laundry shops, at transport hubs.

Pinaigting ng Baguio City ang kanilang monitoring matapos makumpirma ang dalawang karagdagang Mpox cases, dahilan para umakyat na sa 4 ang kabuuang kaso sa lungsod.

Ang 2025 Panagbenga Festivals ay nagsimula noong Feb. 1 at magtatapos sa March 2.

About The Author