dzme1530.ph

Senado, naghahanda na sa isusumiteng impeachment complaint laban kay VP Sara

Loading

May paghahanda na ang Senado sa posibleng pagsusumite ng Kamara ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay makaraang atasan ng Senate Secretary ang mga opisyal ng Public Relations and Information Bureau na maglatag ng paghahanda sakaling dalhin na sa Senado ang reklamo.

Subalit nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang anumang paghahanda ang Senado kaugnay sa impeachment dahil hindi aniya sila maaaring mag-assume ng anumang bagay hangga’t walang kumpirmasyon.

Ipinaliwanag pa ng senate leader na ang mga pahayag ng paghahanda ay nagmula lamang sa tinawag niyang over-eager staff na hindi niya binigyan ng awtorisasyon.

Huling araw aniya ng sesyon kaya hanggang ngayon na lamang ang pagkakataon na maiaakyat sa Senado ang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Kung sakali, mismong ang secretary ng Kamara ang magdadala ng kopya ng impeachment complaint at tatanggapin ito ni Senate Secretary Renato Bantug.

Batay sa rules, kahit nakaadjourn na ang sesyon ng Kongreso, maaari pa ring magsagawa ng impeachment trial ang Senado para talakayin ang reklamo laban sa Bise Presidente.

Unang magiging hakbang ng mga senador ay buuin ang senado bilang impeachment court kung saan aaktong impeachment judge ang mga senador.

About The Author