Kinontra ng Chinese Embassy ang pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na palagi siyang tinatarget ng Chinese hackers.
Itinanggi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy ang kwento ni Romualdez na nagkausap ito at si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Vin d’honneur.
Sa naturang pagtitipon ay binanggit umano ni Romualdez kay huang na na-hack ang telepono nito.
Ayon sa Chinese Embassy, nang i-verify nila ito kay huang ay nagulat ang Ambassador dahil matagal na umano nitong hindi nakikita si Romualdez.
Sa bahagi naman ng Philippine envoy, sinabi nito na posibleng hindi na maalala ni Huang ang kanilang pinag-usapan.