Maagang nagtungo sa National Headquarters ang mga retiradong kawani ng Philippine Coast Guard upang kalampagin ang liderato nito dahil sa pagbawas sa tinatanggap nilang buwanang pension.
Sa naturang reklamo, 2017 pa umano nila naranasan na mabawasan ang tinatanggap nilang monthly pension.
Umaabot ng 10% hanggang 15% ang ibinawas sa kanila ng hindi man lamang sila inabisuhan.
Inilapit na raw nila ang problema sa mga nagdaang Commandant ng PCG ang naturang isyu subalit hanggang sa pangako lamang na reresolbahin ang kanilang natatanggap.
Nagtungo na rin daw sila sa Kongreso para ipaalam ang naturang isyu ngunit hanggang ngayon ay nakatengga daw ito sa first reading.
Kaugnay nito, sinubukan namang pigilan ng PCG personnel ang kilos-protesta, subalit nakiusap ang mga retirees na hayaan muna sila.
Nagbigay seguridad naman ang hanay ng Manila Police District sa nasabing rally.