dzme1530.ph

Sagot sa petisyon sa Korte Suprema laban sa 2025 GAA, idaraan ng Senado sa Solicitor General

Loading

Kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na idaraan nila sa Office of the Solicitor General ang pagsagot sa petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa 2025 national budget.

Sinabi ni Escudero na ang Office of Solicitor General ang legal representative ng pamahalaan ng Pilipinas kaya’t dito nila idaraan ang komento ng Senado.

Matatandaang ang petisyon laban sa 2025 GAA ay inihain nina dating Exec. Sec. Vic Rodriguez at Davao City Rep. Isidro Ungab.

Una nang nanindigan si Escudero na walang iregular sa ipinasa nilang national budget at ang lahat ng sinasabing blangkong items ay napunan sa kanilang isinumiteng enrolled bill.

Iginiit ng senate leader na ang kinukwestyong dokumento na may mga blank items ay hindi naman ang mismong inaprubahang batas.

Sa pagkakaalam din ng senador, wala pang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na kinuwestyon o idineklarang unconstitutional ang isang report na bahagi lamang ng proseso sa pagbuo ng batas.

Sinabi ni Escudero na kadalasan ang batas na mismo ang kinukwestyon ang constitutionality at hindi ang committee report.

About The Author