dzme1530.ph

AFP, todo ingat sa mga AI tulad ng DeepSeek at iba pang makabagong teknolohiya

Loading

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na pinagbawalan ang kanilang mga tauhan na mag-upload ng mga confidential information sa internet sites na maaaring magkompromiso sa seguridad ng bansa.

Sa pagharap sa Commission on Appointments, sinabi ni AFP Brig. Gen. Contancio Espina II, commander ng Communications Electronics and Information Systems Services ng AFP na maingat sila sa paggamit ng teknolohiya.

Kasunod ito ng tanong ng mga kongresista kung ano ang aksyon ng AFP kaugnay sa artificial intelligence gaya ng DeepSeek na isang chatbot mula sa China na ipinagbawal sa Taiwan.

Sinabi ni Espina na hindi lang sa DeepSeek sila nakatutok dahil kailangang mag-ingat sa mga bagay na maaaring magdulot ng panganib sa national security.

Itinuturing anya ng AFP ang cyberspace na ika-apat na domain of operation mula pa noong 2013.

Katunayan ay gumawa aniya ang AFP ng mga unit, opisina at doktrina para sa cyberspace operations at may polisiya rin sila ukol sa social media at iba pang teknolohiya.

Maaari naman aniyang rebisahin ng AFP ang kanilang mga polisiya batay sa development ng mga bagong teknolohiya.

About The Author