Matagal nang dapat pinalitan si PhilHealth President at CEO Dr. Emmanuel Ledesma.
Ito ang iginiit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kay Dr. Edwin Mercado bilang bagong pinuno ng PhilHealth.
Sinabi ni Escudero na ilang beses nang napatunayan na hindi ginawa ni Ledesma ang kanyang mga tungkulin upang tugunan ang pangunahing pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.
Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi na nabigyan ng subsidiya sa ilalim ng 2025 national budget ang PhilHealth.
Umaasa naman si Escudero na hindi gagawin ni Mercado ang ginawa ng kanyang pinalitan at tutukan ang benepisyo na dapat binibigay sa mga Pilipino at tiyakin na match ito sa pangangailangan at hindi kung ano lang ang gusto nilang ibigay base sa sarili nilang convenience.