Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez ang matibay na kooperasyon sa buong Indo-Pacific region para resolbahin ang mga problemang kinakaharap nito.
Sa talumpati ni Romualdez sa pagsisimula ng Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) sa Batasan Complex, sinabi nito na ang geopolitical tensions, economic vulnerabilities at technological disruptions sa buong rehiyon ay nanga-ngailangan ng ‘coordinated global response.’
Sa harap ng mga dati at incumbent international lawmakers, diplomats, security at technical experts, giniit ni Romualdez ang kahalagahan para protektahan ang Indo-Pacific na tirahan ng 4.7-B katao, o 60% ng global population.
Aniya, malaki ang opportunidad ng buong rehiyon, subalit maraming pagsubok kaya mahalaga ang collective action ng parliamentarians at policymakers.
Ang PI-SF ay global platform na kinabibilangan ng mga powerhouse ng rehiyon gaya ng China, Japan, India, at South Korea, habang ang Pilipinas ang tumayong host.
Sa keynote address ni Romualdez, muli nitong iginiit ang sovereign rights sa West Philippine Sea base sa sinasaad ng 2016 Arbitral Tribunal ruling sa ilalim ng UNCLOS at pagkilala sa international law.