Kumalas na ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon sa COCOPEA, ang hakbang ay para sa pagtitiyak ng academic freedom at ng mahalaga nitong papel sa maka-demokratikong lipunan.
Matapos din umano ang konsultasyon sa member associations at masusing pagre-review sa kanilang core advocacies, napagpasiyahan nilang palakasin ang mga inisyatibo sa edukasyon nang hindi na kailangang maging bahagi ng NTF-ELCAC.
Kaugnay dito, pormal nang humiling ang COCOPEA kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pag-wiwithdraw sa NTF-ELCAC.
Patuloy naman nitong gagampanan ang papel bilang independent non-gov’t organization at kinatawan ng private education sector sa pakikipag-dayalogo sa NTF-ELCAC.
Nananatili rin itong kaisa ng NTF-ELCAC sa misyon tungo sa pagkakaisa, kapayapaan, seguridad, at socioeconomic development.