dzme1530.ph

Mga programa sa edukasyon, dapat buhusan ng dagdag na pondo

Loading

Nais ni Sen. Loren Legarda na paglaanan ng mas mataas na pondo ang edukasyon at pagtulungan ng iba’t ibang sektor ang mga repormang inirekomenda ng EDCOM 2.

Ito ay kasunod ng inilabas na report ng EDCOM 2 na aniya ay panawagan para sa kapakanan ng bawat batang Pilipino.

Binigyang-diin ni Legarda na hindi sapat ang mga plano kung walang konkretong aksyon.

Muli niyang tiniyak ang kanyang buong suporta sa pagsusulong ng pagtaas ng pondo para sa edukasyon, paglikha ng mga polisiya para sa dekalidad na pag-aaral, at suporta para sa mga guro at kawani ng paaralan.

Nakasaad sa report na 25% lamang ng mga batang Pilipino edad 6–12 buwan ang nakakamit ng inirerekomendang energy intake; maraming mag-aaral sa Grade 3 ang hirap sa mga pangunahing kasanayan; halos kalahati ng pasok sa paaralan ang naaantala dahil sa mga sakuna; at 55% ng mga pampublikong paaralan ay walang permanenteng punong-guro.

Dahil dito, hinimok ng report ang pagbibigay-prayoridad sa maagang edukasyon at nutrisyon, sapat na guro at kawani sa paaralan, maayos na pasilidad at mga kagamitan.

About The Author