Pinaalalahanan ng Filipino Society of Composers, Authors, and Publishers (FILSAP) ang mga kandidato ngayong eleksyon sa paggamit ng copyrighted songs, live man o recorded, sa campaign rallies.
Sinabi ng FILSCAP na alinsunod sa Section 117.6 ng Intellectual Property Code of the Philippines o “IP Code” kailangan pa rin ng lisensya kahit ang kanta ay patutugtugin lamang bilang background music, bago o habang ginaganap ang event.
Ipinaliwanag ng grupo na iba ang “public performance license” mula sa “modification/adaptation license” na kailangang ma-secure kung ang lyrics ng copyrighted songs ay papalitan.
Idinagdag ng FILSCAP na ang rule sa paggamit ng copyrighted songs ay para local at foreign songs. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera