Iminungkahi ni Sen. Loren Legarda sa Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa kanilang counterpart sa Estados Unidos kaugnay sa pagpapatigil ni US President Donald Trump sa kanilang foreign assistance.
Sinabi ni Legarda na dapat gamitin ng gobyerno ang diplomasya upang matukoy ang detalye ng direktiba ng bagong halal na Pangulo ng US.
Sa ngayon aniya ay hindi pa malinaw ang magigiging implikasyon nito sa bansa dahil kalalabas lamang ng direktiba.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Legarda ang pangangailangan na palakasin ng Pilipinas ang sarili nitong pananalapi at ang kakayahan Armed Forces of the Philippines.
Dapat aniyang matuto na ang Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito sa US, Reciprocal Access Agreement sa Japan at mula sa global diplomacy at mutual cooperation nito sa mga kalapit bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News