Tinanggal na ang Bise-Presidente at mga dating Pangulo ng Pilipinas bilang mga miyembro ng National Security Council.
Ito ay sa Executive Order no. 81 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nag-utos ng paglabasa sa NSC.
Sa ilalim ng kautusan, mananatiling Chairperson ng NSC ang Pangulo ng Pilipinas, habang magiging mga miyembro pa rin ang Senate President at House Speaker.
Kasama rin ang Senate President Pro Tempore, tatlong Deputy Speakers na itatalaga ng House Speaker, Senate at House Majority at Minority Floor Leaders, at Chairpersons ng Senate at House Committees on Foreign Relations and Affairs, National Defense and Security, at Public Order and Safety.
Mananatili ring NSC members ang Executive Secretary, National Security Adviser, Secretaries ng Foreign Affairs, Justice, Defense, Interior and Local Gov’t, Labor and Employment, Presidential Communications Office, Chief Presidential Legal Counsel, at Head ng Presidential Legislative Liaison Office.
Samantala, nakasaad naman na maaari pa ring magtalaga ang Pangulo ng iba pang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal sa NSC.
Ni-reorganize rin ang NSC Executive Committee at hindi na kasama ang Pangalawang Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News