dzme1530.ph

Bilang ng indibidwal na naapektuhan ng pagputok ng bulkan kanlaon, pumalo na sa 21,862

Pumalo pa sa mahigit pitong libong pamilya ang bilang ng mga apektadong residente ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Batay sa datos ng Dept of Social Welfare and Development – Western Visayas, umabot na sa 7,144 na pamilya o katumbas ng 21,862 indibidwal, mula sa dalawamput isang barangay sa paligid ng Mount Kanlaon ang naiulat na naapektuhan ng abnormal na aktibidad ng bulkan.

Ang mga naitalang biktima ay residente ng mga barangay sa Bago City, La Castillana, Moises Padilla, La Carlota City, Murcia, San Carlos City at Pontevedra.

Sinabi ng DSWD – Western Visayas na sa ngayon, mayroong 8,408 katao ang nananatili pa rin sa dalawamput dalawang evacuation center sa Negros.

—sa panulat ni Joana Luna

About The Author