Asahan na ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakita ang pagtaas ng presyo ng petroleum products sa galaw ng international trading sa nakaraang apat na araw.
Posible umanong maglaro sa 35 centavos hanggang 70 centavos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Uno dyis hanggang uno quarenta sentimos naman ang inaasahang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang nobenta sentimos hanggang piso naman ang maaaring patong sa presyo sa kada litro ng kerosene.
Ang nagbabadyang oil price hike ay bunsod umano ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
—sa panulat ni Joana Luna