Umabot na sa 52 kaso ng mpox ang naitala sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na karamihan sa mpox cases o 33 ay mula sa National Capital Region.
Sinundan ito ng CALABARZON na may 13 at Central Luzon na nakapagtala ng tatlong kaso.
Samantala, mayroon namang dalawang mpox cases sa Cagayan Valley habang isa sa Central Visayas.
Sa naturang bilang, isa ang napaulat na nasawi subalit nilinaw ng DOH na ang cause of death nito ay hindi mpox, kundi dahil sa comorbidity. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera