Maglalabas ng Executive Order si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagpapatupad ng Free Trade Agreement o malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
Sa 23rd NEDA board meeting sa Malakanyang na pinamunuan ng Pangulo, inaprubahan ang pagbuo ng EO na sasaklaw sa tariff commitments ng bansa sa PH-KOREA FTA.
Sa ilalim nito, inaasahang magbibigay ang Korea ng preferential duty-free entry sa 11,164 na produktong Pilipino at nagkakahalaga ng $3.18 billion, o 87.4% ng kabuuang imports ng Korea sa Pilipinas.
Nakikita ring mas magiging kapaki-pakinabang ito sa bansa kumpara sa ASEAN–Korea FTA at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Layunin ng kasunduan na palakasin pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa, tungo sa paglikha ng mga bagong oportunidad sa negosyo at investments. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News